Mag-asawa man daw muli ang kanilang amang si Edu Manzano, hindi sila magiging hadlang ng kanyang dalawang half-siblings, sabi ni Luis Manzano.

Balita kasing lumalalim na ang relasyon nina Edu at ng kanyang bagong girlfriend, an executive of a network. In fact, they are seen together almost everywhere.

In our case, na-meet namin ang babae sa birthday party ni June Rufino, talent manager nina Edu at Luis.

Presentable ang babae, although ’di siyempre siya kasing attractive ni Pinky Webb, newscaster at ex-girlfriend ni Edu.

Matagal ding naging mag-on sina Edu at Pinky. At akala nga ng lahat ay mauuwi na sa kasalan ang kanilang relasyon.

Never pang nagka-asawa si Pinky. Samantala, twice na ikinasal si Edu, una kay Batangas Gov. Vilma Santos (now Recto), mom ni Luis, at sunod kay Maricel Soriano.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 Edu and Maricel were not blessed with a child.

No need to tell you that the talented Pinky is daughter ng basketball legend na si Freddie Webb na naging isang senador din.

Actively involved sa showbiz ngayon si Freddie at kasama rin sa stable of talents ni June.

He is one of the important characters pa nga sa top-rating series na Apoy sa Dagat starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angel Aquino, and Angelica Panganiban who plays a dual role.

http://www.philstar.com/pang-movies/2013/05/18/943409/pero-lumalalim-na-ang-relasyon-bagong-karelasyon-ni-edu-hindi-kasing

 





Leave a Reply.